Hello Disciple!

Stories, experiences and events makes life colorful. So come and join me.
Here, you will learn that life is simply the best if you are able to share it to others.Welcome and enjoy.

Tuesday, November 15, 2011

May pera ka pa ba dyan?


      November 16, 2011. Mga alas 12 na ng tanghali. I went to my closet, took my wallet, and search for "the root of all evil"..MONEY. Habang inaayos ko yung mga damit ko (kasi nga hinahanap ko yung pitaka ko), iniisip ko na kung saan ko ilalaan ang pera na makukuha ko sa wallet ko. Sabi ko "mamaya bibili ako ng pagkain sa mga pamangkin ko, tapos maghahanap ako ng cologne kasi ubos na yung sa akin, then pwede din na magpapaload ako para sa next off ko para hindi na hussle. Tapos yung matitira, reserve ko na"
   Oo, hinahalungkat ko na yung aparador ko. Nahanap ko na ang pitaka ko. Iniisip ko tlga na meron pa siguro akong 500php. Laking gulat ko..ako ay nagitla, na-shock, na-windang, napa-tumbling...20pesos NALANG ANG NAKITA KO SA PITAKA KO!! BUENAS!! Hindi ako makapaniwala. Ang buong akala ko mabubuhay pa ako ngayong araw. Sa 500 pesos ko na yun malayo na mararating ko..kaso, WALA NA PALA?! Paano ako hihinga nito? 

    Syempre hindi ako pumayag. Hinalungkat ko ulit, binaliktad ko pa (as in literally)..wala, 20 nalang talaga. Halos matunaw ako sa pagkadismaya. Imagine, hindi ako lumabas ng bahay ng ilang araw, kahapon lang ha, pero nalimas lahat!? Por dios. Ano ba binili ko kahapon? Saan ba ako gumala? Saan-saan ba ako nagsususuot na wala nang natira sa akin? Na-hold up ba ako? Ninakawan ba kami? Kung ninakawan kami bakit hindi yung 32inch TV namin ang kinuha? Bakit pumunta pa ang magnanakaw sa aparador ko at kinuha yung 500 ko? At dala ko yung 500 kahapon ah? Tanong lang ako ng tanong sa sarili ko, but the bottomline is, wala na akong magagawa, WALA NA EH.


     PERA. Makabuluhan nga ba ang pera? Talaga bang may silbi ang pera? Totoo ba na ang pera ang nagpapa-ikot ng mundo? Reality will tell us..YES. Of course, you can't move without money nowadays. Halos lahat may presyo. Halos lahat pinagbibili. Pero teka, sabi ko lang "HALOS LAHAT" hindi "LAHAT-LAHAT".

        May mga bagay o pangyayari na hindi kayang bilhin ng pera. PAMILYA for example. Bakit, binayaran mo ba sya Dyos ang pamilya mo? TALENT din. Bakit, may pinagbibili ba na talent? Kasi kung meron man na "TALENT FOR SALE" sa mga tindahan ay aba, isa na ako sa mga suki non. LIFE is another great example. Bakit, pagkagising mo ba sa umaga may naniningil ba sayo sa araw na nabuhay ka pa? SMILE is another example. May nagsabi ba sayo na "bibili ako ng smile mo, magkano ba?" Nakakatawa naman ata yun.
Maraming bagay pa din ang libre sa ngayon. Hindi lang natin napapansin kasi ang nasa isip natin wala na talagang mura o libre sa ngayon. Ipagpasalamat nalang natin ang mga bagay na "libre". Samantalahin natin na libre pa ito sa ngayon. Pahalagahan natin ito ng higit pa kasi ito nalang ang natitira sa atin.Gaya nga ng sinabi ng mga nakakatanda, ang pera nandya'n at nawawala, pero ang kaligayahan ay walang hanggan. Kung sa tingin mo pera ang nakakapagpasaya sa'yo, think again. Bakit, sa araw na malungkot ka nakakausap mo ba ang pera mo? 'Di ba pamilya ang kausap mo kahit tuyo lang ulam nyo? Bakit, hanggang manonood ka nalang ba sa tuwing makakakita ka ng isang world class na talent? 'Di ba mas maganda na ikaw mismo ang may world class na talent? And I'm sure may nakapagsabi na nito sa'yo: smile na dya'n, yan nalang ang libre sa ngayon.

   Pero balik tayo sa pangyayari kanina. So walang laman ang pitaka ko, 20 pesos nalang. Pero ok lang, makakakita pa naman ako eh. For now, tambay muna sa bahay. Iniisip ko na "sana, ang naiisip ko ay naiisip din ng iba. Na hindi lang pera ang mahalaga sa mundo, may ibang bagay pa". Ikaw? May pera ka pa ba dya'n? Ako? Wala na. :)

No comments:

Post a Comment