Hello Disciple!

Stories, experiences and events makes life colorful. So come and join me.
Here, you will learn that life is simply the best if you are able to share it to others.Welcome and enjoy.

Friday, May 25, 2012

12 hour shift: From Womb to Tomb


Doctor's order, carry outing, charting, requisition of medications..hay, wala atang katapusan ang ginagawa namin sa isang shift. Hindi pa natatapos ang isang gawain meron na naman. Kung matapos mo man ay dapat mo muna i-review kung tama ba ang ginawa mo. Minsan late kana mag-lunch or minsan hindi kana nakaka-lunch kasi ayaw mo ma-delay ang ginagawa mo. 'Yan ang nangyayari sa 12 hours shift namin.


Nurse ako. Obvious ba? Hindi pa naman ako matagal sa serbisyo. "Novice" pa lang kung baga. Hindi ako kagaya ng iba ko na katrabaho na may katagalan na when it comes to experience. Pero, masasabi ko, na sa sandaling experience ko palang sa pagiging isang nurse ay hindi na mapapantayan ang karunungan na idinulot nito sa akin. Sinasabi ko sa'yo, sa isang shift palang, sangkatutak na story na ang malalaman mo..at lahat nang yun ay may kahulugan.

Oo, 12 hour shift kami. Dami nagsasabi na mahabang oras yan sa isang trabaho. Pero sa isang working environment na lahat ay busy, sandali lang yan. At sa 12 hours mo na pag-tatrabaho, hindi rin basta-basta ang makikita mo. Higit sa carry outing, pagpapalit ng diaper at charting may isa kang experience na hindi mo maiitanggi kailan man..ang PAGSISIMULA AT PAGWAWAKAS NG BUHAY.

Sa bawat sandali ng 12 hours, sa bawat patak ng minuto o segundo nito, masasaksihan mo ang simula at katapusan ng buhay at ang iba't ibang reaksyon ng mga tao dito. Makikita mo na biyaya talaga ng Diyos ang buhay at si kamatayan ay nandya'n bawat sandali. Na sa bawat oras may nabubuhay, may hindi nabubuhay, may malapit na sanang mabuhay at may muntik ng mamatay. Na kahit nasa sinapupunan ng ina may nakikipaglaban na gusto ring mabuhay at kahit matanda na ay gusto parin mabuhay. May'rong iba na gusto pang mabuhay at may iba na gusto nang mamatay. May ibang pamilya na gagawin ang lahat para mabuhay ang pasyente nila, may iba na gusto na nilang ipahinga, may iba na wala lang, may iba na gustong mabuhay pero walang pera at may iba naman na humihiling ng himala.

12 hours..walang katumbas na tinuruan ako kung paano pahalagahan ang buhay ko at ang buhay ng iba. Kung paanno ang isang ina at ama ay masayang-masaya sa sangol na karga nila at kung paano bumuhos ang luha ng mga anak sa sandaling ang kanilang mga magulang ay magpapahinga na. Nakakapagtaka minsan isipin kung saan hinuhugot ng tao ang kanilang lakas para humawak at bumitaw sa buhay nila at sa buhay ng iba. Masasabi ko na talagang sa mundong ito, may darating at may mawawala, may mag-sisimula at may katapusan...may buhay at may kamatayan.

Sabi nga ng ilang mga libro, ang trabaho ng isang nurse ay "FROM WOMB TO TOMB". Oo nga naman. Isang kamang-mangha, kagila-gilalas at kakaibang eksperyensya ang makakita ka ng simula at wakas ng buhay. 12 hours shift, nakakapagod..pero wagas :)    

No comments:

Post a Comment